Friday, August 18, 2006
Soup for the Soul
Isang gabi natuwa ako sa kabila ng kapaguran
Nagsabay ang dalawang nagtitinda ng balut sa daan
Tapos nagkatingininan, nagkumpasan ang parehong kamay
Nagpatagalan ng tayo, ng titig, mistulang mag-aaway

Dati pa, panahong wala pa 'kong alam, ay kumakain ako ng balut
Madalas bumili ang lolo ko 'nun dati, pampalakas daw ng katawan
Pero hindi ko kinakain 'yung kinawawang sisiw,
Naaawa kasi ako, hindi s'ya dumaan sa wastong demokrasya at paglilitis

Sabi nila kaya daw sa gabi tinitinda ang balut kasi pampasigla daw 'to at pampatayo
Pampatayo daw ng paninindigan upang maipaglaban ang sarili
Pampatayo daw ng mga istrakturang pangkawanggawa
Pampasigla daw kasi ito ng pagkatao

Pero bata pa lang ako, hindi ko na pinangarap maging balut,
Hindi ko na pinangarap na itinda sa gabi
Mas gusto kong maging taho, kasi ang taho
Mas ginugusto sa umaga, at naturalmente -


Mas gusto ko sa araw.
 
tinipa ni Bote. noong 11:30 AM | Permalink |


0 Comments: