Saturday, July 22, 2006
Hindi Maisip
[Para kay Osikos-Opspaynayn]

Nagsasama ang bawat araw
Sumasara ang simulain ng kahapon
Lumilinaw ang mga lumang pagpanaw
Sumisibol ang pag-usad sa ngayon

Mga pagkakataong nais magsalita
Mga araw na gustong magdesisyon
Sa mga araw na pilit kumakawala
Sa mga pagkakataon na puros ambon

Maligaya sana kung marami
Masaya sana kung hindi nag-iisa
Malungkot 'pag kumukupas ang pagsali
Pighati 'pag nawala ang ala-ala

Hindi maisip ang sarili sa ganitong lagay
Hindi maabtan ng utak ang ganitong kalagayan
Totoong iba ang hanap ng kamay
Tamang iba ang dapat na tuonan

Sa dami ng balakid dapat sana noon pa
Sa bigat ng dala dapat kahapon pa inayos
Para 'di matulad sa ngayon, kulang na
Upang 'di magaya sa mali't panahon ay umagos

Sayang
 
tinipa ni Bote. noong 10:57 AM | Permalink |


0 Comments: