Hindi ko alam kung bakit, pero may
malakas akong pakiramdam na
kaya kong gawin ang anumang naisin ko't sumuot sa
utak kong makitid. Hindi ko talaga alam kung bakit pero sa kabila ng
manipis kong balat at
walang laman kong katawan ay nararamdaman kong marami akong kayang gawin. Kung sabagay, may nakaakyat na namang
tatlong pinoy sa bubong ng mundo. Ano pa ang hindi natin kayang gawin?
Kahapon ng umaga'y
pumatak na ang oras ng pag-iyak ko't
paglabas ko sa sinapupunan. Labing pitong taon na talaga ako.
Tiyak na. Sa kabila nito ay hindi naman ako ganon' kasaya at hindi din naman ganon' ang galak ko't tuwa dahil buhay pa ako at
lumalanghap ng usok ng sigarilyo. Pero ayos naman ang bertday ko. Pasyal sa
Greenhills sabay bato ng mura habang tumatawad sa tindera't dumadaan
ang idolo kong si Nikki Valdez na longkatuts ang japorms. Panahong maaari mong gawin ang gusto mong gawin.
Susi sa kung anuman.
At oo. Tama ang mga
narinig mo at hindi ito haka-haka. Magkateks muli kami ngunit iba ang turingan.
"You can't have the best of both worlds" - ika nga ng
inuugat ng kasabihan ng kung sino man. Ayos lang din. Mas masaya na ang buhay ko ngayon. Mas masaya kaysa sa
sisiw na nag-aantay pa ng inahing magpapakain sa kanya at mas masaya kaysa sa mga
bata sa lansangang tinatawid ang gutom sa solvent at Rugby. Masaya ka na ba?
Maraming bagay ang sumusuot sa isip ko ngayon at sa dami ay hindi ko ito maitipa lahat at mailapat sa mga titik. Basta ang alam ko ay
medyo naiinis ako. At sa mga
pilit kumopya at humiram ng ideya ng walang balikan. Mga
Joseph Ejercito-Estrada brainchild.