Monday, November 13, 2006
Ma-
Matapos akong mag-dota buong sembreyk upang lunurin ang sama ng loob sa m11, ay buong ngiting nakabungad naman ngayong ang panibagong semestre ng pagkakataon at buhay. Masaya na din ako. Kahit papaano.

Masigla ako 'pag lunes at huwebes dahil masigla ang unang prop ko sa unang kurso. Kaaliw-aliw magturo si prop. ee. Katuwa-tuwa ang mga tanong, ang mga ideya. Nakakaamoy ako ng pagkahalina, ng pagsunod, ng mentor.

Maganda ang prop ko sa 101. Kahit na hindi ito ang inaasahan kong prop, masaya na din ako kasi bata pa s'ya, masaya na din ako kasi hindi s'ya terorista tulad ng iba. Marami lang dapat gawin at suriin, pero masaya kahit may mga conokids sa paligid. Hindi naman nakaaapekto.

Malamya ang prop ko sa g1. Mahina ang boses, at pa-syalow epek ang dating. Pero hindi naaalis sa isip ko na nakita ko na s'ya o nakasalamuha na dati. De javu?

Mahalimuyak 'pag martes. Masaya kasi may cw. Masaya kahit matrabaho.

Mabait ang prop ko at madaming magaganda sa klase ko sa ss3. Meron na ata akong nakikitang kursong iiyak ako 'pag 'sakaling hindi maiwasang lumiban. Insprirasyon sa pagpasok ng maaga.

Malakas ang tiyansang si prop-palanca-circle-slash-winner ang prop ko sa mps10. Masaya. Lalo na ngayong naghahanap ako ng kasama, ng kaisip.

Mananalig ako ngayong sem. At sana kaunting tsamba muli.
 
tinipa ni Bote. noong 1:07 PM | Permalink |


0 Comments: