Sunday, December 09, 2007
Makabong Atake sa Katutubong Tanaga at Tradisyonal na Pasyon
Ulam

Pag-aaral ay ulam,
sa una'y matatakam;
'pag sobra'y anong suklam -
parang luwang bubble gum.

Nasaan?

Aba, ina naming Gloria,
ikaw ba ay nandiyan pa?
Bansa'y maraming problema
ngunit ang iyong inuna
ay bakasyon sa Europa.
 
tinipa ni Bote. noong 12:10 PM | Permalink |


0 Comments: