Thursday, August 09, 2007
Tula(n)
Tunghayan mo ang lupa,
uhaw na uhaw sa bawat
patak ng ulang luha sa mata
ng mga nanunuyong sikmura.

Tunghayan mo ang langit,
na namumugto sa agos ng tubig -
ulan, luha, na nagpapatahan
sa iyak ng mga nangangailangan.

Tunghayan mo ang iyong sarili,
na nawiwili sa pagmamasid
ng naglalarong lupa at langit
at mistulang batang naiinggit.
 
tinipa ni Bote. noong 9:11 AM | Permalink |


0 Comments: