Thursday, February 08, 2007
Lipad, Lapid, Lipad
Kung sasakay ako ng flying kalesa,
si Lito Lapid ang gusto kong isama.
Maglalakbay kami sa'n man ang gusto n'ya,
pwede din siguro kaming mangampanya.

Sa Pampanga muna kami didiretso,
lilipad sa lahar na parang disyerto,
dadaan-daan sa mga bayan nito,
magsasaya, lilimutin ang senado.

At dahil nga ang English ni Lito'y palpak,
maghahanap kami ng makalulutas.
Problema n'ya sa wika'y dapat matibag,
upang speech sa kampanya'y hindi bumagsak.

Saan man nga kami tangayin ng hangin,
English tutor ang sunod na hahanapin.
Teacher ang hanap namin upang s'ya'y maging
English proficient at lalo pang gumaling.

Pagtapos ng lessons ay siguro naman
okey na kami para mangibangbayan.
Sa Estados Unidos, maging sa Japan,
Bush at kay Abe, makikipagkamayan.

Pagtigil ng trip namin sa buong mundo,
susubukan naming lumabas ng globo.
Mercury, Mars hanggang sa sulok ng Pluto,
magtataguan pa, magpapatintero.

Tapos ay babalik kami sa Manila
at makikipagkita sa barkada n'ya.
Kina Jinggoy, Bong, at iba pang artista,
magchichikihan tungkol sa pulitika.

Makati City ang huling dadaanan,
pagkampanya'y 'di namin kalilimutan.
'Di matatakot kahit kay Mayor Binay,
ano man, kahit Englishan pa ang laban.

Sa pagtapos nga ng trip naming dalawa
galing n'ya sa baril, titingnan ko muna
Patatamaan nami'y tig-sampung lata,
talo'y manonood ng Tatlong Baraha.
 
tinipa ni Bote. noong 1:27 PM | Permalink |


0 Comments: