Saturday, July 22, 2006
Hindi Maisip
[Para kay Osikos-Opspaynayn]

Nagsasama ang bawat araw
Sumasara ang simulain ng kahapon
Lumilinaw ang mga lumang pagpanaw
Sumisibol ang pag-usad sa ngayon

Mga pagkakataong nais magsalita
Mga araw na gustong magdesisyon
Sa mga araw na pilit kumakawala
Sa mga pagkakataon na puros ambon

Maligaya sana kung marami
Masaya sana kung hindi nag-iisa
Malungkot 'pag kumukupas ang pagsali
Pighati 'pag nawala ang ala-ala

Hindi maisip ang sarili sa ganitong lagay
Hindi maabtan ng utak ang ganitong kalagayan
Totoong iba ang hanap ng kamay
Tamang iba ang dapat na tuonan

Sa dami ng balakid dapat sana noon pa
Sa bigat ng dala dapat kahapon pa inayos
Para 'di matulad sa ngayon, kulang na
Upang 'di magaya sa mali't panahon ay umagos

Sayang
 
tinipa ni Bote. noong 10:57 AM | Permalink | 0 comments
Thursday, July 06, 2006
Ins Ek
Tipaklong-slash-Politisyan : O? Langgam? Bakit parang tinatamad ka ata? Anong meron? May natapakan nanaman ba? May nasama sa kinakaing keyk? Ano? Magsalita ka Langgam!

Langgam : Wala, wala Kuraplong. Wala sa mga ibinulalas ng maasim mong dila ang may kahit kaunti mang katotohanan.

ConioKid-slash-Tipaklong : Huh? What's the problem ba kasi? Anong wrong? Can I make tulong in any way?

Langgam : Hindi GrassHoppy, wala. Gusto ko lang siguro *magrest*. Gusto ko lang... sundin ang sarili ko.

*Men in Black theme song*

[If you can't convince them, confuse them. - Harry S. Truman, 33rd US President]
 
tinipa ni Bote. noong 5:18 PM | Permalink | 0 comments
Monday, July 03, 2006
Tao Po
May paru-paro pa ring lumilyag-liyag sa puso at bituka ko na puwersahang hindi ako pinakakain at pinakakalma. Pero hindi ito tulad ng paru-paro ni Rustom Padilla na maaaring makapagudyok upang masabi ang katotohanan at makapanggulat nang napakaraming mga Pilipinong mahilig idikit ang kanilang tenga sa pader o pintuan. Hindi ako mapalagay. Hindi pa ako kuntento sa buhay at sa riles na tinutunton ko ngayon. Siguro, naninibago lang ako.

Hindi pa din pumapasok sa maliit kong utak kung bakit kailangang magseryoso, magsikap, at iwanan ng panandalian ang pagpaparaya. Hindi ako sanay na diinan ang isang bagay na matagal ko nang ginagawang magaan. Ayoko sanang lumabas na napakalalim pero, sana, ayoko na ng malaking espektasyon at paghahangad ng tagumpay o respeto.

Gusto kong maging iba, pero muli, hindi ko pinagtanggol ang sarili ko at hindi ko ipinaglaban ang kagustuhan ko na s'ya namang bumabalot sa matipuno kong karapatan. Hindi ko tinutulan at nagpakatuta ako.

Hindi ko naipaglaban, kaya paminsan, iniisip ko, kung tama lang ba na nakapasok ako at nananatili sa kung saan mang naroon ako ngayon at humuhugot ng kadalisayan? Naitatanong ko tuloy sa manipis kong sarili, kung at kung lamang, na naipaglaban ko ang una kong pagsabak sa mundo ng pagtayo sa sarili, ay mababago kaya ang kalagayan ko sa kasalukuyan? Magiging masaya kaya ako at magiging panatag?

Siguro may paru-paro pa rin, at sa kasong iyon, paru-paro na - ng paninindigan.

Pasubok sana.
 
tinipa ni Bote. noong 4:24 PM | Permalink | 0 comments