Sunday, May 06, 2007
Halala(n)ang Pag-asa
I.Palapit na ang eleksyon,palapit na ang halalan.Marami nang naglulustay ng kayamanan,nang pangako, sayang hindi ako nakapagrehistro.II.Sayang talaga. Hindi ako umabot,isang linggo pa kasi tapos ng eleksyonako tutuntong sa tinatawag nilangtamang edad. Nakakainis.III.Ang dami nanamang pangako. Sa tv,sa radyo, kahit sa friendster, may mgapulitiko ng nagbubulalas ng kumukulong pangako ng kayamanan at kaayusan.IV.Ang tanong, bakit mayroon pang mgananiniwala? Bakit may sumasampalataya?Hindi ako nawawalan ng pag-asa, perowala lang talaga akong tiwala.V.Nakakalungkot man isipin, sarilihan naang labanan. Siguro meron pa namanghindi lang sarili nila ang iniisip, siguromeron pa ring nagmamalasakit. Siguro, 'asan?VI.Nasa sinapupunan pa? Naglalaro pasa lansangan? Nagpapakadalubhasa sakolehiyo? ? Tinapon sa basura? O baka nasa isip pa lang ng dalawang tao?VII.Nakakatawang isipin na ang maaaring sumalba sa atin, 'yung mag-aangat sa estado (tutupad ng pangarap etc.), eh baka pinabayaan ng lumangoy mag-isa at mamatay. Maaaring wala na, maaaring limot na. Magisip-isip ka.